Trip To Kalentong

P*t@*%I^*@G Trip: What if I kill the entire Human Race???!!!

June 27, 2009 · 2 Comments

Just imagine

Wala ng Rapist at wala ng magpaparape.

Wala ng adik at wala ng din lasenggo.

Wala ng oil price hike at wala ng proproblemahin sa pamasahe

Wala ng trapik, wala na din polusyon

Ang tanging mararamdaman ay ang malayang hangin

Wala ng asong iihi sa gilid ng pader, wala na din pusang kalye

Wala ng babayarang tax at graft and corruption

Wala ng gera sa Mindanao, Iraq at kung san pa man lupalok

Wala na rin taong maliit  na may malaking nunal.

Wala ng puyatan sa pag aaral kasi wala ng quiz, exam, projects

At mga gurong na ang tanging alam ay mang torture and students

Wala ng itim at puti, wala na rin bakla at tomboy

Mawawala na rin ang discrimination

Wala ng suicide, walang abortion

Wala ng Emo, wala na din broken hearted

Wala ng serial killer at wala ng magnanakaw sa recto

Wala ng puputol ng mga puno Sa wakas ligtas na kayo…

Wala ng sex (bullshit), early pregnancy at condom

Hindi na rin uso ang safe sex….

Wala ng porn star at sex videos!!

Walang swine flu, cancer, aids, no more of this shit!!!

Wala ng computer, cellphone, kotse, mp4, pSp o kung ano-anu pa mang mga high tech na gadgets

Wala ng gahaman, kurakot at magulang

Wala ng CHEATER!

Wala ng mangangaliwa, wala ng sexy at macho

Wala ng magsusulat nito at wala na rin mag babasa nito..

Wala ng ikaw at ako!

Anyways, I think that mother earth can exist without me or you or them..

Mankind destroyed everything

What if we kill the human race?

Do you think that the world will be a better place?

That’s our punishment for the things we did……

→ 2 CommentsCategories: Mga Trip ni Makatingting

sa wakas…NILABASAN din!

June 4, 2009 · Leave a Comment

(habang ginagawa ko ang pahinang ito ay pinakikinggan ang kantang “Doo Bi Doo” sa parteng “heto na..heto na..heto na..waaaaaaaah!”)

Hindi ko alam kung anong bagay ang nasa isipan ko habang ginagawa ko ito ngunit ang tanging naisip ko lang eh ang mga suliranin ko sa buhay! sadya nga namang hindi natin maiiwasan o matatakasang magkaroon ng mga suliranin sa buhay. ito may maliit, malaki o sobrang LAKIIII!!! yung tipong minsan pag soooobrang LAKI na niya eh mapapasabi na lang tayo na “Wag naman po masyadong malaki….baka mabutas na ang aking determinasyon at lakas.”

Ewan ko ba!! minsan hindi mo malalaman na may darating ka palang pagsubok sa buhay! Minsan masaya ka, sa isang iglap luhaan ka na. minsan naman Luhaan ka na nga lalo ka pang Luluha!! kaya ayun, payo ko lang eh maghanda ka na ng sabon at shampoo dahil panigurado maliligo ka sa sarili mong luha! wag kang mag-alala kaibigan…dahil tagtipid ngayon, ayan na’t nakatulong ka na sa pagtitipid niyo ng bayarin sa tubig!

Kung ikaw naman yung tipong wala nang mailuluha… maiisip mo “asan na ang mga luha ko?! bakit hindi na sila lumalabas? manhid na ba ako?! sadya bang sanay na ako sa kalbaryong aking nadarama’t nararanasan kaya’t wala na akong mailuha pa?!” ayun nga kaibigan…maipapayo ko lang sayo kaibigan eh kailangan mo nang magbago ng mga pamamaraan sa buhay. mag-recycle at maglinis ka na ng iyong paligid! PLANT MORE TREES!! baka may sarili ka nang EL NINO sa katawan mo at pati ikaw ay apektado na ng Global Warming!!! haLa! iwasan mo na din ang yosi kapatid! Ang Carbon Dioxide ang pinaka malaking source na nakakasira ng ating Ozone Layer.

Haaaaaaaay (buntong hininga)…

Sa totoo lang, Kadalasan sa mga ganitong problema…isa sa mga maasahan mo sa Buhay ay ang iyong mga “pili” at “tunay” na Kaibigan. Sa akin… ayos na si Makatingting, si Makepots at syempre si BRO!!! (uso eh!! haha! joke lang!)

Sa proseso kasi na kasama mo ang mga kaibigan mo o kaya sa lakas ng iyong pananalig sa Diyos eh masasabihan mo sila ng iyong malalim na pananaw alin-sunod sa iyong mga problema’t hinaing at lahat ng bumabagabag sayo…

Matapos mo itong masabi ng buo, detalyado at tapat ay makakaramdam ka ng pagkagaan. Hindi man naayos ang iyong problema, gumaan naman ito at tipong masasabi mo na para bang nararamdaman mo ang “climax” ng isang aspeto sa iyong pribadong gawain at iyong tugon ay…

“SA WAKAS….NILABASAN DIN AKO!!! SAAAAAAARAAAAAP!”………

biglang pahabol, “Salamat ha! sa uulitin….

Ikaw….NILABASAN ka na ba?!

kurt-cobain-nobody dies-

tripniman

→ Leave a CommentCategories: Mga Trip ni Manyakol
Tagged: , , ,

SIDE TRIP: KATAS NI HAYDEN KHO

May 30, 2009 · 4 Comments

YOU LIKE???

→ 4 CommentsCategories: Side Trips

Trip #2: NANG LAMUTAKIN NIYA ANG AKING DYOGA

May 26, 2009 · 3 Comments

Sa isang madilim na kanto, naghintay ako ng masasakyan. Alas-tres na kasi ng madaling araw nun kaya bibihara lamang ang mga sasakyang nagdaraan. Hindi naman ako pokpok para mag-abang ng daraang sasakyan sa dis-oras ng gabi/umaga. Sadyang inabot lamang ako ng kamalasan kaya ako’y napadpad sa madilim na kantong iyon. Nakipag-break kasi sa akin ang maliit at pangit kong boyfriend nung madaling araw na yun. Ma-future daw kasi akong babae. Hindi na daw niya kayang makipagsabayan sa malaki kong hinaharap kaya kelangan na daw niya kong iwan (what a lame excuse! palibhasa, maiksi naman ang kanya!). Kaya ayun, habang nakasakay kami sa loob ng kanyang sasakyan, bigla na lang niyang binuksan ang isa sa mga pinto ng kanyang sasakyan at itinulak ako palabas! What a jerk! Ang chaka naman niya!

Luckily, naka-roll ako ng maayos pagbagsak ko kaya di naman ako nabalian or whatsoever. Medyo sumakit lang ang aking boobies dahil nalamog sila ng bahagya nung pagbagsak ko sa lupa. Bukod dun, konting gasgas lang sa tuhod at galos sa siko ang natamo ko. Sa kabila ng lahat, maganda pa rin ako!  At sexy pa din dahil buo pa din ang aking malulusog na boobies, maliit na bewang at matambok na humps!

So yun nga, ang isang sexy at magandang tulad ko ay naghihintay ng masasakyan sa isang madilim na kanto dis-oras ng gabi/umaga. Keri lang naman ang maghintay kahit madilim dahil di naman nakakatakot ang lugar. Wala naman kasing ibang tao sa paligid. Hindi naman ako matatakutin sa mga multo-multo.

Pero nagbago ang pananaw ko sa mga multo nang makarinig ako ng kaluskos sa mga puno malapit sa kinatatayuan ko. Agad kong chineck kung nasa Balete Drive ba ko at negative naman ang result. Sa pangalawang kaluskos, nagtayuan na ang aking mga balahibo (pati nipples ko e tumayo na din). Nakaramdam ako ng kakaibang kaba, bumilis ang tibok ng puso ko. Sa tantsa ko sa tunog ng kaluskos e malaking tao ang nasa likod ng mga puno. Kapre! Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag. Di ko alam kung sinong tatawagan o itetext ko, basta kinuha ko lang ang cellphone ko Patuloy pa rin ang kaluskos. Naghanap ako ng maaaring panlaban sa kapre. Nilabas ko ang isang pakete ko ng yosi. Baka sakaling pag in-offer-an ko ng yosi si kapre e di na niya ko kainin. Lumakas lalo ang kaluskos. Deep inside, minumura ko na yung maliit at pangit kong ex-boyfriend na nag-iwan sa’kin sa lugar na iyon and at the same time, nagdadasal na ako ng Our Father at sangkatutak na Hail Mary. Biglang nawala ang tunog ng kaluskos. Bumagal na din ang pintig ng puso ko. Pero kinabahan ulit ako ng maisip kong mas mahirap kung di ko alam kung nasaan ang kalaban ko, mamaya bigla na lang nasa harap o gilid o likod o ibabaw ko na pala siya! Binalik ko sa aking bag ang aking cellphone at isang pakete ng yosi. Humawak ako ng mahigpit sa bag at binalak ko ng tumakbo papalayo.

Ngunit subalit datapwat nang ako’y tatakbo na, bigla na lamang may dumakot ng aking boobies mula sa aking likuran. Dalawang malalaking kamay ang nakahawak sa aking hinaharap. Natulala ako ng bongga at wala na kong nagawa nang ilang beses niyang mabilis na nilamutak ang aking pinakamamahal na dyogs. Matapos ang ilang segundo ng pagkabigla at pagkatulala, naalala kong marunong akong mag-wrestling! Kaya’t mabilis kong dinampot ang dalawang malalaking kamay na nakadakot sa aking mga boobies! Pinilipit ko ang mga kamay na iyon. Nakarinig ako ng mababa at malaking boses na nagsabi ng “aaaaaaahhh!” mula sa aking likuran. Pagkapilipit ko sa mga kamay na iyon, buong pugay at lakas kong binuhat at ibinalibag ang tao o elementong nasa likuran ko. Pagkahampas ko sa kanya sa lupa, napag-alaman kong tao ang dumakot at nanglamutak ng aking jogs! Di lang basta tao, malaking tao na may mahaba at kulay pink na buhok! Habang luray-luray pa siya sa lupa, tinadyakan ko siya 100 times = 25 times sa ulo, 25 times sa katawan at 50 times sa bayag/puke niya (di ko pa alam kung lalaki o babae yun e)! Habang binubugbog ko siya, puro “aaaaahhh!” lang ang naririnig ko mula sa kanya!

Nang na-satisfy na ko sa pambubugbog sa kanya, hinawi ko ang mahaba at kulay pink niyang buhok gamit ang aking paa. Natanggal ang wig niyang color pink, lumabas ang maikli niyang buhok. Napansin ko na rin ang kanyang adam’s apple pati ang bukol sa kanyang pantalon. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo habang nakahandusay siya sa lupa.

Malaking Tao Na May Pink Na Wig: Patawarin mo ko! Isa lamang akong binabae na nais madama ang pakiramdam ng pagkakaroon ng dalawang malulusog na dyoga.

*Echoserang bakla! Inggit lang pala sa malulusog kong hinaharap! Sana sinabi na lang niya kaagad para di na lang siya nabugbog! Jusme!

*No offense sa mga kaibigan nating gays. Mahal ko kayo.

→ 3 CommentsCategories: Mga Trip ni Makepots

Trip #1: HINDI NA KO VIRGIN!

May 22, 2009 · 3 Comments

Kkkrriiinng!!! “Hello, Good evening po, pwede po ba kay Ting?” Haaay, boses pa lang parang alam ko na kung sino ito ah. “Oi Mari, napatawag ka? Musta?” Nagboses gulat na lang ako pero deep inside naaasar talaga ako. “Friend! HINDI NA KO VIRGIN!!! Huhuhu” Ah okay! Ano ba namang pambungad yun, parang wala sa lugar ah. Tanghaling tapat noon, nasa gitna ng init at nagpapawis ang kilikili ko tapos ito maririnig ko? Aba’y napakaganda. Pero medyo na-curious din ako sa sinabi niya, isang malaking exclamation point ang dumagundong sa mukha ko eh. Paano nangyari iyon? Hindi ko kasi alam kung paano magre-react, kasi hindi ko alam kung natuwa ba siya o mala-rape victim ang drama niya.

Uso kasi ang clan noon, kaya itong si Girl sunod naman sa kung ano ang “in”. Ewan ko ba kung anong magandang maidudulot noon. Dadami daw ang friends mo pero para sa akin dadami ang pimples at lalaki ang eyebags mo. May pagka-aswang ‘ata ‘tong mga members ng clan eh, tatawagan ka ng dis oras ng gabi at makikipagkwentuhan, getting to know each other kung baga. Tapos pag gising mo sa umaga meron ka ng 69 new messages. Puro group message at wala man lang nakasingit na isa na importante (bakit alam ko??). Doon niya nakilala si Waldo. Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Hindi naman niya unang boyfriend si Waldo pero si Waldo lang ang boyfriend na naka-eyebol niya. Dahil sa nagkapalagayan sila ng loob, nag-decide silang mag next level. Nakwento naman niya sa akin si Waldo noon pa, pero hindi ko inaasahan na ganoon na pala kalalalim ang pagtitinginan nila.

Ito na ang araw na pinakakahintay ni Mari. Ang kanilang 1st monthsary. Sila ay pumunta sa isang Videokehan. 150 per hour ang isang room, eh mukhang game na game na sila mag karaoke kaya pinatos na nila iyon. Noong una e nagkakahiyaan pa sila, nagpapakiramdaman kung sinong unang aawit. Pero sabi ni Mari sa akin, gustong-gusto na daw niya mauna kaso hindi niya alam kung anong unang kakantahin. Gentleman naman si Waldo kaya tumayo na siya at kinuha ang songbook. Dahan-dahan niya binuksan at parang may naisip na siyang kantahin (hmmmm, prepared naman pala). Tiningnan daw siya ni Waldo, iyon na daw ang pinaka hindi niyang makakalimutang tingin ni Waldo. Habang nakatitig kay Mari ay biglang ngiti siya at sabi ng “Game, kantahin mo ito para sa akin ah”. Hindi na daw nakatanggi si Mari, parang na-hypnotize daw siya sa tingin ni Waldo kaya bigla siyang umupo sa tabi nito at kinuha na ang mic. Sira ata ang aircon ng room na pinasukan nila kasi pinagpapawisan na siya o sadyang mainit lang talaga. Pinindot na ni Waldo ang mga numero, sa sobrang kaba daw ni Mari ang higpit na ng kapit niya sa mic kaya hinawakan siya ni Waldo at sinabihan na “relax lang, magandang kanta ito”. Huminga si Mari ng malalim sabay buga ng boses pero parang wala ata siyang narinig, dahil pala sa kaba niya ay nakalimutan niyang i-on ang microphone. Pag ka-on daw niya ng microphone ay na-shock siya, ewan ko ba kung bakit. Ngayon lang siya siguro nakakita ng ganoong microphone (high tech?). Unang tono ay mababa kaya kinaya pa niya pero sa may kalagitnaan ay biglang taas. Ang gulo daw ng kanta kaya taas baba ng taas baba daw siya ng tono. Pag katapos ng kanta hiningal si Mari, medyo napagod ata sa pag-awit eh, wala man lang daw warm up kaya na windang pero nag enjoy siya. Nagpapalit-palit daw sila sa pagkanta noon. Ang dami nga daw nila nakanta e. Kaso kumatok ung nagbabantay sa videokehan sabay sigaw ng “last song na po”. Ano ba yun? Parang ang kaunti pa lang ng nakakanta nila. Tumayo daw si Waldo sabay kuha ng mic. Nag-request na sa kanya na lang ang last song. Dumukot ng coin sabay pasok sa lalagyanan ng token. Hindi daw siya pamilyar sa kanta una ang sakit sa tenga pero noon katagalan eh nakuha na niya ang tono. Nagandahan si Mari sa pag kakakanta ni Waldo, nosebleed na daw si Mari eh. Pero ang badtrip daw sumigaw ung Ale ng “TIME’S UP NA PO”. Ayon bitin daw! Habang papalabas ng room bigla daw siyang niyakap ni Waldo sabay sabi ng “Ang galing mo naman kumanta”.

“Ting, Ting, Ting!!!!” Nablanko ang isip ko sa ikiniwento niya. First time ko kasi makarinig ng kwentong ganoon kaya hindi ko pa alam kung paano magre-react. Tumulo na ang pawis ko sa noo. Buti na lang saved by the bell ako, inangat ni Mama ang phone sa room nila at nagsabing gagamit daw siya ng phone. Kaya ako, nagba-bye na lang muna. “Hoy Mariano nawindang ako sa kiniwento mo ah, kita na lang tayo sa school tomorrow at ikwento mo sa akin ah”.

“Sige friend, pero wag mo ikukwento sa iba ah. Sa iyo ko lang kasi sinabi iyon eh..”

→ 3 CommentsCategories: Mga Trip ni Makatingting